Sigourney Patricia Marie R. Valbuena
Si Sigourney Valbuena ay nakatira sa lungsod ng Parañaque. Nakapagtapos siya ng junior high school sa Golden Achievers Academy of Parañaque sa kung saan nakamit niya ang With Honors at Girl Scouts of the Philippines Service Awardee. Ngayon ay nag-aaral siya ng makataong sining at agham panlipunan sa Asia Pacific College na kung saan ay kabilang siya sa mga iba't ibang organisasyon katulad ng APC Miccrosoft Community, HiRAYA, at APC Student Organization Association of Regents ng senior high school.
Si Sigourney ay kasalukuyang kumakatawan bilang delegado ng Peru sa Asia Youth International Model United Nations. Siya ay isa sa mga nag-ayos ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses kasama ang kaniyang mga kaklase. Siya rin ay nakagawa ng pananaliksik tungkol sa pangmatagalang epekto ng online learning sa mga estudyante. Bilang estudyante ng HUMSS, siya ay isang feminista at makabayan.