Yachnee Melrene N. Manalao
Si Yachnee Melrene N. Manalao ay labing-anim na taong gulang at kasalukuyang nag-aaral bilang mag-aaral ng ikalabing-isang baitang ng strand na HUMSS. Kasalukuyan siyang naninirahan sa lungsod ng Makati kasama ang kanyang ina at isang babaeng nakatatandang kapatid, ang kanyang ama nama'y nagtatrabaho sa bansang Saudi Arabia.
Patuloy siyang naging honor student at aktibong mag-aaral noong junior high school hanggang ngayong senior high school kung saan siya ay aktibong nakikilahok sa mga organisasyon ng paaralan.
Simula pagkabata ay mahilig sa pagsulat si Yachnee kaya't siya'y miyembro ng paaralang pamamahayag magmula noong siya'y nasa elementarya hanggang ngayon. Dati siyang feature writer sa dati niyang paaralan kung saan siya'y nakikipaglaban sa ibang eskwelahan. Ang pinakamataas na nakamit ni Yachnee ay ikalima sa buong distrito ng Makati. Aktibo pa rin siya sa journalism ng kanyang kasalukuyang paaralan kung saan siya'y isang junior news writer ng The RAMPage.