top of page
Tekstong Prosidyural
Gabay sa Pagkuha ng Lisensya sa Pagmamaneho
Maxene Guerra
Yachnee Manalao
Samuel Manalo
Kazandra Salvacion
Sigourney Valbuena
Nais mo bang magkaroon ng kotse? O baka naman nais mong maging isang tsuper? Kung gayon, ano nga ba ang mga kinakailangan upang matupad mo ang mga ito? Kotse, gasolina, at syempre, lisensya. Sa katunayan, hindi naman ganoon kahirap ang kumuha ng lisensya sa pagmamaneho basta’t susundin mo ng maayos ang mga panuto’t kinakailangan hinggil dito. Kung kaya’t narito ang gabay na ito upang tulungan kayo.
Una ay ilalahad muna namin ang mga kinakailangang kwalipikasyon upang ika’y makakuha ng lisensya:
1. Kinakailangang malusog ang pangangatawan at pang-iisip upang magpatakbo ng mga karwahe.
2. Kinakailangang marunong magbasa ng Filipino at/o ng Ingles.
3. Kinakailangang nakapasa sa written at practical na pagsusulit.
4. Kinakailangang 17 taong gulang pataas ang edad.
5. Kinakailangang mayroong Student-Driver’s Permit na pinanghahawakan na may bisang hindi bababa sa tatlumpu’t isang (31) araw mula sa pagpapabisa nito.
Kung ikaw ay pumasa sa mga kwalipikasyon na ito. Narito naman ang listahan ng mga kinakailangan upang kumuha ng lisensya:
1. Marapat na natupad na ang Application Form for Driver’s License (ADL)
2. Kinakailangang may maipapakitang kopya ng sertipikong medical. (Ito ay ibinibigay ng klinikang medical sa LTO sa pamamagitan ng electronic transmission)
3. Orihinal na kopya ng Student-Driver’s Permit na may bisa.
4. Para sa mga aplikanteng 17 taong gulang, kinakailangang magpakita ng isa (1) orihinal na kopya ng pahintulot ng magulang o kaya naman ay affidavit ng legal na tagapangalaga ng aplikanteng menor de edad upang makakuha ng student permit, kinakailangang kasama ng pahintulot ay mayroong maipasa na isang (1) orihinal na kopya ng kahit anong mabisang government issued ID ng magulang/tagapangalaga kasama ng larawan at pirma nila.
Narito ang mga dapat alalahanin sa pagkuha ng mga kinakailangan:
A. Mga Tinatanggap ng Government issued ID
Philippine passport, Social Security System (SSS) Card, UMID Card, PhilHealth ID, TIN Card, Postal ID, Voter’s ID, Professional Regulation Commission (PRC) ID, Senior Citizen ID, OFW ID, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID, National Council of Disabled Affairs (NCDA) ID, Solo Parent ID,Voter’s Certification, Government Services and Insurance System (GSIS) e-Card, Seaman's Book, Government Owned and/or Controlled Corporations (GOCC) ID, Home Development Mutual Fund (HDMF) ID, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification, Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
B. Hindi hihigit sa tatlo (3) ang kinakailangang restriction codes (1, 2, 6 at/o 7 o 1, 4, 6 at/o 7 o equivalent DL codes)
Sabihin nating kumpleto mo na ang mga kwalipikasyon. Ngayon naman ay ilalahad ko na kung ano ang mga hakbang upang makamit mo na ang inaasam mong lisensya.
Ito ang tinatawag na License Transaction with Examination at ito ang mga hakbang nito:
1. Hihingi ng Application for Driver’s License (ADL) form at matatapos ang 1.1, kung kaya’t ikay makakakuha na ng queue number.
2. Ipapasa ang natapos nang ADL at iba pang nasabing kinakailangan kalakip ang ibinigay na queue number.
3. Pagpapatuloy sa tanggapan ng bayaran upang mabayaran ang mga kinakailangang bayaran.
4. Pagkuha ng sinusulat na pagsusulit
Kung nabigong pumasa:
Makatatanggap ng computer generated na liham kung saan nakatala na maaaring bumalik ang aplikante sa nakatakdang petsa kung kailan maaring pumunta muli ang aplikante.
Katapusan ng transaksyon.
Kung nakapasa:
Pagpapatuloy ng transaksyon.
5. Pagpapatuloy sa nakatalagang pagsubok sa pagmamaneho ng aplikante o driving test.
Kung nabigong pumasa:
Katapusan ng transaksyon
Kung nabigong pumasa:
Pagpapatuloy ng transaksyon.
6. Pagpapatuloy sa tanggapan ng bayaran upang mabayaran ang mga kinakailangang bayaran
7. Pagapapatuloy sa encoding / biometric window upang maisagawa ang form para sa paglalathala ng kumpletong detalye sa makabagong sistema ng LTO-IT.
8. Pagtanggap ng OR at ng DL card
Pagpirma sa log sheet
Narito ang ilan sa mga tanggapang maari mong puntahan kung ika’y magpapalisensya:
1. Mga Opisinang Pampalisensya
2. Mga Pinahihintulutang Opisina sa Distrito / Extension Offices
Mahaba man ito tignan, subalit kung ito’y gagawain mo ng dahan dahan at sigurado, nasisiguro kong ang pagkuha mo ng lisensya ay magiging isang maaliwalas na karanasan lamang. Hinihiling ko ang iyong kaligtasan sa pagkuha mo ng lisensya, Mambabasa!
Ingat at masayang pagmamaneho sa iyo!
MGA PINAGKUHANAN NG LARAWAN SA PAHINANG ITO
Valbuena, S. P. M. R. (2018, April 3). [City View]. VSCO. https://vsco.co/siggyvalbuena/media/5ac343de12b1a25502000003
bottom of page